Gusto ko sanang alamin pano yung daan pabalik sa "innocence". Yung time na wala ka pang pakialam sa buhay. Walang tama at mali. Sa mundo ng bata, pwede kang kumain ng ice cream kahit nakakalat pa ito sa bibig at baba mo at tumutulo na sa t-shirt. Kunin yung nahulog nang pagkain sa sahig at sabihin "wala pang five minutes". Hindi ka pa takot sa germs. Pwede kang maglaro ng putik at humubog ng mga bagay. Pwedeng kang sumigaw o umiyak sa mall. Yung wala ka pang hiya na ipakita ang nararamdaman mo. Ang mga bata ang isa sa may mga pinakamahihirap na tanong sa mundo, kahit simpleng tanong, mahirap sagutin. Sila yung may mga boundless imagination, pwede silang sumakay sa lumilipad na aso, maglaro sa rainbow, lumangoy sa tsokolateng dagat, Magdrive papuntang outerspace. Para sa kanila, Walang saysay ang salitang "Impossilbe". Lahat tayo ay tumatanda. Ang mundo ay patuloy na nagbabago. Sa mga pagbabagong iyon, nagiiba din ang ating pananaw. Ang pagtingin natin sa kultura, kaligayahan, sa pag-ibig, Maging sa ibang aspeto ng buhay. Nagkakaroon na tayo ng sarili nating judgement. Malaking pagkakaiba sa mata ng bata. May daan pa ba pabalik sa pananaw sa mata ng bata?
Monday, May 13, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment