Thursday, December 31, 2009

I'm happy but feeling sad

There i go again talking to myself..

Id: Pre, lalim ng iniisip mo ah?

Me: Marami kasing hindi natutuwa sa mga pinaggagawa ko.

Id: Saan? sinong di natutuwa?

Me: Sa buhay ko! pinipilit kong bigyan ng kahulugan ang aking buhay pero hindi naman masaya ang iba..Yun lang ang alam kong paraan para maging masaya..Hindi ko kailangan ng malaking bahay, maraming pera, di ko kailangan pumunta ng abroad o pumunta ng london para makahanap ng maayos na trabaho..ang kailangan ko lang ay ang ipakita sa akin na nasisiyahan sila sa mga desisyon ko na AKO ang gumawa..

Id: weh? di nga?

Me: siryoso ako pre...masaya ako at nagmamahal ako at minamahal. pwede ko naman un ipagsabay para mapuntahan ko ung success na gusto nilang makita. hindi hadlang sa mga plano ko yun. un lang kasiyahan ko ipagkakait pa sa akin. di ba napakalungkot naman nun? magbabagong taon na pero parang ang bigat ng aking dala para salubungin ang bagong taon..kung isasakripisyo ko ang aking pagmamahal sa pagiging successful di pa rin ako magiging masaya. kailanman hinding-hindi na.

Id: so? anong plano mo?

Me: xempre kung saan ako masaya.

0 comments: