Friday, February 12, 2010

25 Random facts about me


1. Hindi ako mahilig sa alahas.

2. Nakahiligan ko ang Mafia Wars sa facebook nung mga times na wala akong magawa sa trabaho. Hanggang ngayon nglelevel up pa rin.

3. Wala akong sagot kapag hindi ako tinatanong.

4. Iniisip kong isa akong philosopher at thinker sa past life ko kaya siguro napakatahimik ko ngayon.

5. Malabo na ung mga mata ko dahil babad sa computer parati.

6. Malas ako sa sugal mas lalo na sa pera. Pero sumusugal ako sa mga ibang bagay.
7. Gusto ko pa mag-aral ng Law.

8. Marunong akong magtipid kung kinakailangan.

9. Paminsan, nakokontrol ko mga panaginip ko.

10. Nasasarapan ako sa chicken barbeque ng jollibee.

11. Madalas sinsasabi ko ung nararamdaman ko sa taong malapit sa akin.

12. Masyadong mahaba ang pasensya ko. Kaya kong pumila ng whole day sa pagbayad ng tuition. At magpasenya sa iritadong jowa.

13. Gusto ko maging kontrabida sa mga cartoon shows.

14. Magiging magaling akong lider kapag binigyan ng pagkakataon.

15. Natatakot ako sa mga asong kalye.

16. Mabilis akong kumain ng burger.

17. Nalulungkot ako sa tuwing nadidisappoint. Matagal pa bago ako nakakrecover.

18. Meron akong isang dosena ng mga red t-shirt sa bahay.

19. Naniniwala ako sa mga Angels.

20. Natutuwa ako sa mga batang makukulit.

21. Gusto ko bumili ng tsinelas.

22. Meron akong gustong imbento na makakatulong sa environment.

23. Nahihirapan ako makatulog ng walang kulambo.

24. Payag akong ispend ang buhay ko sa taong mahal ko kapag payag din siya.

25. Hindi talaga ako mahilig sumulat mas gusto ko pa ng kwentuhan.

0 comments: